Arestado ang isang lalaking online seller matapos madiskubre na mga endangered, exotic at mga wild animal ang ibinebenta nito sa Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon sa Caloocan City Police, nadakip ang hindi pinangalanang suspek sa isinagawang Buy-bust operation ng Anti-illegal Logging Task Force ng DENR.
Nakatanggap ng sumbong ang pulisya hinggil sa iligal na aktibidad ng lalaki na nagsimula umanong magbenta ng mga exotic na hayop simula noong COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga nakumpiska sa suspek ang isang PHILIPPINE eagle-owl, salt water crocodile at isang ball python.
Nahaharap ang lalaki sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act. —sa panulat ni Mara Valle