Ino-obliga na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang online sellers o nagne-negosyo gamit ang digital o electronic means na magparehistro sa ahensya para matiyak ang pagbabayad ng buwis.
Bukod ditto, nais din ng BIR na ideklara ng online sellers ang kanilang mga nakalipas na transaksyon para sa pagbubuwis.
Ang kautusan ng BIR ay hindi lamang para sa partner sellers o merchants, subalit maging sa iba pang stakeholders tulad ng payment gateways, delivery channels, internet service providers at iba pang facilitators.
Ipinabatid ng BIR na hanggang ika-31 ng Hulyo maaaring iparehistro ang mga negosyo online at ang mabibigong gawin ito ay pagmumultahin.