Posibleng dumami pa ang mga Pilipinong mag-o-online selling kahit pa luwagan ng gobyerno ang ipinatutupad na quarantine sa bansa.
Ito, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ay dahil nakita ng mga Pilipino ang bilis at magandang transaksyon ng online business.
Magugunitang tumaas ang bilang ng mga pumapasok sa online selling mula nang ipatupad ang lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Inaasahan rin ng Department of Trade and Industry (DTI) na dadami pa ang bilang ng mga magbubukas ng negosyo ngayong unti-unti na ring binubuksan ng bansa ang ekonomiya.