Pinakilos na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para imbestigahan ang mga napaulat na bentahan ng loose firearms gamit ang online platform.
Ito’y matapos masabat ng mga awtoridad kamakailan ang mga kalas-kalas na armas sa isang bodega sa Bulacan noong isang linggo.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, ang mga armas na ito aniya ay mga lumang service firearm ng pulis at sundalo na hindi nadispatsa ng maayos.
Subalit ibinebenta aniya ang mga ito sa mga private armed group na posibleng gamitin sa pagpapalaganap ng karahasan ngayong nalalapit na ang halalan.
“Guns are the common instruments in committing crimes that is why we have to step our pre-emptive campaign through agrressive operations against those who ascended illegally. Lalo na’t palapit na ang election kung saan, maaaring magamit ang mga loose firearms na ito sa pananabotahe at paghahasik ng karahasan,” pahayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar.