Iminungkahi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na online na lamang idaos ang simbang gabi ng mga simbahan na maaapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Socillano, maiging gawin ang online simbang gabi lalo kung ang sitwasyon ay delikado dahil sa nasabing bagyo.
Aniya, maaari namang ipagpatuloy ang aktwal na misa kapag hindi na masama ang panahon.
Samantala, magsisimula na ang 9 na araw ng simbang gabi bukas Disyembre 16. — Sa panulat ni Airiam Sancho