Inilunsad ng lokal ng pamahalaan ng Taguig ang isang training at online hub para sa mga residente.
Ito ay upang mapaghandaan ang tinatawag na “new norm” dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing programa ay tinawag na Taguig Online Resources and Community Hub (TORCH).
Sa platform na ito makikita ang training para sa mga teachers, open campus para sa mga professionals, online resource hub para sa mga senior, at iba pa.