‘Thumbs up’ sa style icon na si Paris Hilton ang Y2K Fashion OOTD ng beauty queen-actress na si Kylie Versoza.
Sa instagram stories ni Kylie, ibinahagi nito ang screenshot ng comment ni Paris kung saan na-curious ito kung saan naggaling ang outfit ng aktres.
Tila nag-fangirl naman si Kylie at napasabi ng ‘I Love You’.
Sa isa pang IG story, muling nag-comment si Paris sa outfit ni Kylie, kung saan suot nito ang isang metallic spaghetti strap top.
Say ni Paris Sa outfit ni Kylie, “That’s Hot”.
Si Perry Tabora ang nag-style ng parehong OOTD ng former Miss International 2016 titleholder-turned-actress.
Kabilang naman sa kanyang glam team sina Mikka Marcaida at Memay Francisco para sa kanyang makeup, at Renz Pangilinan para sa kanyang hair.