Nanawagan si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza sa media na huwag i-interpret ang mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dureza, dapat na iulat lamang ng media practitioners kung ano ang eksaktong sinabi ng Pangulo at huwag nang bigyang-kahulugan pa.
Aniya, isang strategic leader si Pangulong Duterte at isang tactical na pinuno na hindi basta-basta mababasa.
Ito ang sinabi ni Dureza makaraang mag-usisa ang ilang miyembro ng media ang mga posibleng dahilan para muling ituloy ng Pangulo ang peace talks sa CCP-NPA.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco