Babawasan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ng halos 10-M bariles ng langis ang kanilang produksyon.
Ang pagbabawas ng halos 10-M bariles ng langis ay napagpasyahan ng OPEC matapos sumadsad ang presyo ng langis sa paglulunsad ng price war ng Russia at Saudi Arabia.
Kasunod na rin ito nang pagbaba ng pandaigdigang demand ng langis matapos sumailalim sa lockdown ang mahigit 3-B tao dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ipinabatid ng OPEC na matatapos hanggang Hunyo ang pagbabawas nila ng produksyon ng halos 10-M bariles ng langis.