Tinitingnan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapatupad ng barrier less tolling sa toll gates upang maibsan ang trapiko.
Ayon kay TRB Board member Raymundo Junia , sa isinagawang virtual press briefing ng transport department ngayong Huwebes , ang implementasyon ng barrier-less tollway ang pinal na solusyon na nakikita nito para sa problema sa mabagal na usad ng sasakyan sa mga toll gates.
Dagdag naman ni TRB Executive Director Abraham Sales na aaraling mabuti ng ahensya ang barrier-less, pass-less tolling oras na maimplementa ng buo ang Radio Frequency Identification o RFID system.—sa panulat ni Agustina Nolasco