Nanawagan si Environment Secretary Roy Cimatu sa lahat ng Local Government Units na i-rehabilitate ang mga open dumpsite na ipinasara ng ahensya.
Ito’y upang maiwasan ang anumang negatibong epekto nito sa kalikasan.
Ayon kay Cimatu, kailangang magkaroon ang mga LGU ng safe closure at rehabilitation plan, makaraang maipasara ang open dumpsites sa kanilang mga lugar.
Noong Mayo, nakumpleto ng DENR ang pagpapasara ng 335 open dumpsites, alinsunod sa utos ng kalihim na ipatupad ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Kabilang naman sa tinukoy ni Cimatu ang bayan ng Sta. Ana, sa Pampanga bilang halimbawa ng lugar na may maayos na open dumpsite sa buwan ng Setyembre. —sa panulat ni Drew Nacino