Pormal nang inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang “Open Finance Framework” na makakatulong para mas maparami pa ang customer-centric financial products sa bansa.
Ayon sa BSP, ang mga customer ang humahawak sa transaction data kung saan, ang mga consumer ay magbibigay ng access sa kanilang financial data maging sa customer-centric product.
Layunin nito na mapahusay ang produkto at serbisyo para sa mga negosyo at mapababa ang gastos sa financial firm na kumukulekta ng pondo sa publiko at iba pang institusyon para mag invest sa financial assets katulad ng bangko at iba pang kumpaniya.
Bukod pa dito, makakatulong ito para lalong umangat ang ekonomiya ng bansa, matapos lumagpak bunsod ng COVID-19 pandemic.