Sinagot ng Malakanyang ang open letter ni Senador Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga tagapagsalita ng palasyo at Philippine National Police.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dapat ng tigilan ni De Lima ang panloloko sa publiko at sa buong mundo maging ang pang-iinsulto sa mga Pilipino kaugnay sa issue ng mga patayan.
Dapat anyang sulatan na lamang ni De Lima ang sarili at tanggapin ang katotohanan na siya ang gumawa ng sarili niyang problema sa ngayon.
Batay sa online survey, kalahating milyon ang nais makulong si De Lima habang 5000 lamang ang gusto siyang makalabas ng piitan.
Nakasaad sa open letter ng Senadora na ang katotohanan ang pangunahing casualty sa war on drugs at sa tamang pagkakaton ay mananagot ang Pangulo dahil sa pagbubulag-bulagan nito na ipatupad ang direktibang pumatay, gumawa ng mga pekeng ebidensiya at gumawa ng mga kasinungalingan.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping