Hinimok ng Philippine Basketball Association (PBA) ang publiko na manood ng opening ceremony ng 41st season ng PBA ngayong hapon.
Ayon kay PBA Chairman Robert Non, ito ay dahil sa kanilang ido-donate ang kikitain ng season opener sa mga nabiktima ng bagyong Lando.
Sinabi ni Non na batid ng PBA ang pinagdadaanan at pangangailangan ngayon ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo kaya naman handa aniya silang tumulong sa mga ito.
Ipinabatid ni Non na hindi lamang mag-eenjoy sa laro ang mga manunuod, bagkus ay makakatulong pa ang mga ito sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang season opener ng PBA ay gaganapin sa Mall of Asia Arena mamayang alas-5:00 ng hapon at susundan ng laro ng Rain or Shine at Star sa ganap na alas-7:00 ng gabi.
By Ralph Obina