Hindi basta-basta papayag si Senate Committee on Public Order Chairman Grace Poe na muling buksan ang pagdinig sa Mamasapano operation.
Ayon kay Poe, kaniya lamang itong papayagan kung mayroong bagong ebidensya o kaya ay impormasyon hinggil dito.
Nakiusap din ang senador sa mga kapwa senador na huwag gamitin ang deliberasyon para sa kanilang pang-pulitikal na interes.
Nais aniya niyang maiwasan na muling magkasisihan ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), hinggil sa sino ang responsable sa mabagal na pagresponde na naging dahilan ng pagkasawi ng SAF 44.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)