Kailangan na muling ayusin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagbabantay at pagkilatis sa mga kalaban ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na tuluyang tuldukan ang peace process sa CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front).
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ilang beses na nalansi ng mga rebelde ang otoridad lalo na ang PNP na nagresulta sa pagkamatay ng ilang pulls.
Isang halimbawa aniya dito ang isang police woman sa Davao na re-responde sana sa isang tawag ng umano’y napatay subalit pagdating sa lugar ay tinambangan gayundin ang pitong (7) pulis na pinatay ng mga NPA sa Negros.
Giit ng Pangulo kung ganito ang laro ng mga komunista ay wala nang patawaran dahil ibibigay din ng pamahalaan ang anumang nararapat sa mga ito.
Opensiba ng military vs rebeldeng grupo
Magsasagawa na muli ng mga opensiba ang militar laban sa rebeldeng NPA o New People’s Army.
Ito ay matapos na magpasiya si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang tuldukan ang peace talks bunsod na rin ng mga sunod-sunod na pag-atake ng mga rebelde.
Ayon ka kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, naibaba na sa mga sundalo sa grounds ang kautusang nag-uutos ng direktang pag-atake sa mga komunistang rebelde.
Kasunod nito, sinabi Padilla na asahan nang mas magiging magulo sa mga lugar na may presensiya ng mga rebelde.
Gayunman, tiniyak ni Padilla na walang madadamay na mga sibilyan sa muling pag-usbong nga bakbakan laban sa mga NPA.
- Krista De Dios | Story from Aileen Taliping / Jonathan Andal