Pansamantalang ihihinto ng pamahalaan ang mga isinasagawang offensive operations laban sa NPA o New People’s Army.
Ito’y ayon kay Government Peace Panel Chairman at Labor Secretary Silvestre Bello III ay bilang sagot sa katulad na panawagan ng NDF o National Democratic Front sa mga miyembro ng NPA na itigil ang kanilang opensiba laban sa AFP at PNP.
Sinabi pa ni Bello, ang hakbang ay bahagi rin ng pagbuo ng kumpiyansa ng magkabilang panig para sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan at bilateral ceasefire agreement.
Ikinalulugod rin aniya ng pamahalaan ang pangako ng NDF na ititigil ang pag-atake sa mga militar at pulis sa Mindanao upang makapag-focus sa labanan sa Marawi City.
By: Krista De Dios