Magpapatuloy pa rin ang operasyon ng AFP o Armed Forces of the Philippines laban sa New People’s Army (NPA).
Ito ay sa kabila ng nilagdaang interim joint ceasefire sa pagitan ng gobyerno at NDF o National Democratic Front sa ika-apat na round ng peace talks sa The Netherlands.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla hindi pa ito epektibo hanggat hindi pa nailalatag ang mga guidelines at ground rules para sa interim joint ceasefire.
Aniya, ang nasabing dokumento ay nagpapakita na bukas at patuloy na magtatrabaho ang pamahalaan at NDF para sa tigil-putukan.
By Krista de Dios