Nasa final stage na ang militar sa kanilang operasyon sa Marawi City laban sa Maute Terror Group.
Gayunman, inamin ni AFP Public Affairs Office Chief Lt/Col. Edgard Arevalo sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa” na pahirapan pa rin ang kanilang pakikipag-bakbakan sa mga terorista lalo’t marami pang Improvised Explosive Device ang nakakalat sa lugar.
Bagama’t sinabi ni Arevalo na hindi na magtatagal ang ginagawang bakbakan ngayon ng militar sa mga bandido ngunit ginagawa nila ang lahat para matapos ito sa lalong madaling panahon.
Pakingan: bahagi ng pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief LT/Col. Arevalo
Sa usapin naman ng bounty na nakapatong sa ulo nila Isnilon Hapilon at ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute, nilinaw ni Arevalo na wala silang interes sa pabuya sa halip ang tinututukan nila ay mapulbos ang mga bandido.
Pakingan: bahagi ng pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief LT/Col. Arevalo
By: Jaymark Dagala / BNSP