Operational na simula ngayong araw na ito ang Bicol International Airport.
Kasunod na rin ito nang isinagawang inagurasyon kahapon na pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa DOTR, uubra makapag accommodate ng 2-M pasahero taun-taon ang Bicol International Airport.
Una nang tinagurian ng Pangulong Duterte ang Bicol International Airport bilang most scenic gateway.