Mananatili pa rin sa intensive care unit ng St. Lukes Medical Center sa Taguig si dating Senador Ramon Revilla Sr.
Ito’y ayon kay dating Senador Bong Revilla Jr. makaraang sumailalim ang nakatatandang Revilla sa operasyon sa puso.
Ayon kay Senador Bong, bagama’t ligtas na ang kalagayan ng kaniyang ama, kailangan pa rin itong bantayan ng mga doctor.
Nakatakda namang bisitahin muli ng dating senador ang kaniyang ama sa susunod na Huwebes, Pebrero 16, mula 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.
By Jaymark Dagala