Nagsanib puwersa na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sugpuin ang sakit na dengue sa mga paaralan sa bansa.
Magpupulong ang Department of Health (DOH), Social Welfare and Development at ang DepEd para sa mga gagawing anti-dengue campaign.
Gagawin ngayong araw ang nasabing pulong sa parang elementary school sa Marikina mula alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon.
Layon nitong himukin ang bawat komunidad na lumahok sa pamamagitan ng Aksyon Barangay Kontra Dengue Program ng pamahalaan.
Mamimigay din ng mga gamot pamatay lamok gayundin ang mga materyales hinggil sa pagsugpo ng dengue sa mga paaralan.
By Jaymark Dagala