Palalawigin ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon laban sa mga isnaberong tsuper ngayong Holiday season.
Ayon sa LTFRB, babantayan nila ang mga terminal sa mga mall sa gitna ng mas pinahabang operasyon ng mga ito mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.
Katuwang ng ahensya ang Inter-Agency Council on Traffic, MMDA, Land Transportation Office, PNP-Highway Patrol Group at Local Government Units.
Pinaalalahanan naman ng LTFRB ang mga Public Utility Vehicle operator na binibigyan sila ng Certificate of Public Convenience (CPC) bilang pribilehiyo na makapaglingkod sa mga mananakay. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla