Hindi ititigil ng Armed Forces of the Philippines ang operasyon laban sa CPP-NPA-NDF sa gitna ng nakaambang peace negotiation.
Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., kung saan magpapatuloy ang paglaban ng tropa ng gobyerno sa mga armadong grupo alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, hindi nila papayagan na muling lumaki ang bilang ng CPP-NPA-NDF dahil lamang sa pagkakaroon ng peace negotiation.
Magugunitang una nang sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na hindi niya irerekomenda ang suspension of military operations o ceasefire sa CPP-NPA-NDF sa darating na Pasko. - sa panulat ni Jeraline Doinog