Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) sa Highway Patrol Group (HPG) na palakasin pa ang mga operasyon laban sa mga sasakyan na ilegal o galing sa nakaw.
Ayon kay PNP chief general Rodolfo Azurin Jr. ito ay bilang bahagi ng anti-criminality campaign at traffic violations sa gitna ng mga naitalang puting van na umano’y ginagamit para sa pandurukot ng mga tao.
Pero, bineripika ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi totoo at gawa-gawa lamang ng umano’y biktima ang istorya na tinangka siyang dukutin ng mga kalalakihan sakay ng puting van sa lungsod ng caloocan.
Kaugnay nito, inatasan ni Azurin ang lahat ng police units sa bansa na paigtingin ang pagbabantay sa pagkalat ng pekeng impormasyon.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na i-follow lamang ang mga legitimate news outlets at pages ng mga ahensya ng gobyerno para sa impormasyon.