Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang umiiral nang operasyon laban sa New People’s Army (NPA).
Ayon kay Chief Supt. Benigno Durana, Spokesman ng PNP, bilang pagsunod ito sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ubusin na ang lahat ng NPA.
Sa kabila nito, iginiit ni Durana na paliit na ng paliit ang puwersa ng NPA.
Una rito, iniugnay ng Pangulo ang NPA sa di umano’y planong pagpapatalsik sa kanya sa pamamagitan ng ‘Red October’ ouster plot.
“They are a concern not because of their atrocities but meron silang mga salot na ginagawa itong tinatawag nilang revolutionary tax which is extortion, nagiging criminal po sila, these people who are probably trained ng mga maka-kaliwang grupo, they turn to banditry and extortion and they are armed so this can be a concern although paliit na ng paliit sila.” Ani Durana
(Ratsada Balita Interview)