Pinag-ibayo pa ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang operasyon laban sa NPA o New People’s Army lalo na sa Eastern Mindanao.
Inihayag ito ni AFP Chief of Staff Eduardo Año kasunod ng intelligence report hinggil sa planong pag-atake ng npa bago ang State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinukoy ni Año ang pananambang ng NPA sa convoy ng Presidential Security Group sa Arakan North Cotabato kung saan limang PSG ang nasugatan.
Kinondena ni Año ang anya’y kawalan ng sinseridad ng komunistang grupo sa peace talks.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Chief of Staff Eduardo Año
Kumbinsido si Año na hindi kayang isuko ng NPA ang kanilang pangingikil sa mga negosyante kayat ayaw nilang tantanan ang pananakot at mga pag-atake.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Chief of Staff Eduardo Año
vs. Maute group
Tiniyak ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na abot-kamay na nila ang tuluyang pagpapalaya sa Marawi City sa kamay ng Maute Group.
Ayon kay Año, halos malapitan na ngayon ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga terorista.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Chief of Staff Eduardo Año
Samantala, inamin ni Año na mayroong dapat managot sa dalawang beses nang nagmintis na bomba sa airstrike sa Marawi.
Gayunman, hindi naman anya nila ito itinuturing na isang malaking pagkakamali sa kabila ng pagkamatay ng ilang sundalo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Chief of Staff Eduardo Año