Palalawakin na ng Point-to-Point bus service ang kanilang operasyon nang hanggang dalawang biyahe tuwing morning rush hour at magdaragdag ng biyahe sa gabi para naman sa mga northbound passenger.
Ito’y upang matiyak na magkakaroon ng sapat na bilang ng mga bus na magsasakay ng mga pasahero partikular ang mga maaapektuhan ng halos araw-araw na aberya sa Metro Rail Transit 3.
Pinulong na ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga city at provincial bus operator kahapon upang tiyakin ang kanilang commitment na maglaan ng 60 bus para sa mga MRT 3-P2P Bus Project.
Ayon kay Transportation Undersecretary For Rails TJ Batan, mahigit 3,300 pasahero ang makikinabang sa nasabing proyekto at maginhawang makararating sa kanilang destinasyon sa tamang oras.
Tuwing morning rush hour, ang mga susunduin ng mga bus ang mga MRT passenger sa North Avenue at Quezon Avenue stations.
Posted by: Robert Eugenio