Sinuspinde ng SEC o Securities and Exchange Commission ang operasyon ng may 104 na tiwaling kumpanya na nagpapautang sa unang apat na buwan ng taon.
Bunsod nito, maaaring mabasura ang lisensya ng mga nasuspindeng kumpanya kung hindi sila mapapasama sa pag-alis ng suspension order sa Lunes, Mayo 22.
Ayon kay SEC Supervising Commissioner for Enforcement Emilio Aquino, magpapakalat sila ng enforcement team sa mga rehiyon bilang tanggapan nila sa mga lungsod ng Baguio, Tarlac, Legazpi, Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Zamboanga at Davao.
Tiniyak ni Aquino na makikipag-ugnayan ang SEC sa NBI para sa epektibong kampanya at operasyon laban sa mga illegal lending operator at makasuhan ang mga ito sa ikalawang bahagi ng taon.
Nauna rito, sinimulan ng SEC ang pag-iimbestiga at paghahabol sa mga iligal ang operasyon sa pagpapautang na nagpapataw ng malaking interes.
By Meann Tanbio
Operasyon ng 104 tiwaling kumpanya sinuspinde ng SEC was last modified: May 20th, 2017 by DWIZ 882