Ipinatitigil ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang operasyon ng 12 online lending companies.
Bukod sa kulang na mga dokumento para makapag-operate, sinita rin ng SEC ang mga nasabing kumpanya sa pang-aabuso sa pangongolekta sa kanilang mga pautang.
Tinukoy ng SEC ang pagpapadala ng mga lending companies ng text message na naglalaman ng pamamahiya sa kanilang mga kliyente na hindi pa nila nasisingil.
Kabilang sa mga kumpanyang ito ang A&V Lending Mobile, Cashaku, Cashaso, CashEnergy, Happy Loan, Peso Pagasa, Phily Kredit, Rainbow-Cash, A&V Lending Investor, A.V. Lending Corporation, Vito Lending Corporation At Rainbow Cash.Ph Lending Corporation.