Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu ang pagpapatigil sa operasyon ng dalawang dolomite company sa bayan ng Alcoy, lalawigan ng Cebu.
Ito’y kasunod ng pagkasira ng coral reef, pagkalason ng tubig at polusyon sa hangin na idinulot ng dolomite mining sa nasabing lugar.
Ginawa ng kalihim ang pahayag makaraang inspeksyunin nito ang operasyon ng dolomite mining corporation at philippine mining service corporation kung saan ay partikular nitong ipinatigil ang quarry operations at ang pagpoproseso ng planta ng dolomite.
Sinabi ni Cimatu, mananatili ang kautusan habang iniimbestigahan ang posibleng paglabag ng mga kumpaniya sa operasyon na nag-iwan ng matinding epekto sa kalikasan.