Tuluyan nang pinatitigil ng National Privacy Commission (NPC) ang operasyon ng 26 na mobile applications.
Kasunod na rin ito ng mga reklamo laban sa mga nasabing mobile apps.
Kabilang dito ang Sell Loan, Super Cash, Utang Pesos, Cash Bus, Cash Flyer, Cas Warm, Cashafin, Cashaku, Cashope, Cashwhale, Credit Peso, Flash Cash, Jk Quickcash Lending, Light Credit Loan Motto, Moola Lending, One Cash, Pautang Peso, Pera Express, Peso Now, Peso Tree, Pesomine, Pinoy Cash, Pinoy Peso At Qcash.
Makikipag-ugnayan na rin ang NPC sa National Telecommunications Commission para sa karampatang aksyon.