Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs o DFA na magpapatuloy ang operasyon ng anim nilang temporary offsite passport services bunsod ng pagdami ng mga nagpapa-appoint para makakuha ng slots sa pagproseso ng passport.
Ang Temporary Offsite Passport Services na matatagpuan sa SM Mall of Asia, SM North Edsa, SM Aura, Robinsons Place Las Pinas, Robinsons Place Magnolia at Ayala Glorietta 3 ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Una rito, nagbukas rin ng temporary offsite passport services ang DFA sa SM Olongapo downtown sa Olongapo City at Robinsons Galleria South sa San Pedro City, Laguna.
Plano pa ng DFA na magbukas ng tops sites sa iba pang mga rehiyon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico