Kumpyansa ang DICT o Department of Information and Communication Technology na magiging operational na sa susunod na taon ang mapipiling bagong telecom company sa bansa.
Ayon kay DICT Secretary Eliseo Rio, binabalangkas na ng oversight committee ang pagbuo ng highest level of service na ipantatapat sa serbisyo ng Globe at Smart.
Inaasahan namang mailalabas na sa susunod na buwan ng DICT ang draft sa terms of reference na gagawing basehan sa pagpili ng mga telco companies na gustong pumasok sa bansa.
Kung masusunod ang timeline, sinabi ni Rio na titiyakin nilang magiging competitive sa international standards ang serbisyo sa internet, call at text ng mapipiling telco.