Pinatawan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng 30 day suspension order ang Joyselle Express.
Ito’y matapos ang aksidenteng kinasangkutan ng isa sa mga unit ng naturang bus firm sa southbound ng EDSA-Magallanes noong Hunyo 19.
Labinsyam katao ang nasugatan habang dalawa pang sasakyan ang inararo ng naturang bus bago sumalpok sa isang waiting shed.
Batay sa imbestigasyon ng M.M.D.A., nawalan umano ng preno ang bus.