Gumulong na ang operasyon ng Casino Filipino sa Manila Bay.
Nagpasya ang PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation na buksan ang sangay na ito ng Casino Filipino matapos lumabas sa kanilang pag-aaral na makikinabang rito ang korporasyon at ang pamahalaan.
Malaking kalamangan anila ang paglipat ng lugar ng Casino Filipino sa CF Manila Bay dahil bumaba lamang sa P13-M ang kanilang upa o halos kalahati sa ibinabayad nilang upa sa dating lugar.
Mayroon ding 100 parking slots kung saan 50 rito ang libre sa CF Manila Bay Project maliban pa sa regular maintenance cost na babalikatin ng Vanderwood kada limang taon.
Matatandaan na nabalam ang pagbubukas ng Casino Filipino sa bago nitong lugar sa Manila Bay matapos na maglabas ng notice of disallowance ang Commission on Audit (COA) sa ibinayad na advance rental at deposit ng PAGCOR sa Vanderwood Management Corporation.