Pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula Setyembre 6 hanggang Setyembre 10.
Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 ang 11 empleyado nito.
Sa nabanggit na araw, isasailalim sa disinfection ang apektadong lugar gayundin ang pagsunod sa isolation at quarantine guidelines na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF-EID at ng health department.
Tiniyak ng DFA na lahat ng apektadong applicants at walang dapat ipag-alala dahil tatanggapin sila sa DFA Aseana para sa kanilang schedule.