Pinalawig pa ng Department of Transportation – Metro Rail Transit 3 (DOTr – MRT 3) ang deployment period ng Dalian trains hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon sa pamunuan MRT -3, pinahaba na rin ang operasyon ng Dalian trains kada araw para mas ma-obserbahan pang mabuti ang performance nito.
Maliban sa dating biyahe nito na alas otso y media hanggang alas diyes y media ng gabi, patatakbuhin na rin ito mula ala una hanggang alas tres ng hapon, araw-araw.
Tiwala naman ang DOTr – MRT 3 na malaki ang maitutulong ng pinalawig na biyahe ng Dalian trains sa inaasahang dagsa ng mga mananakay ngayong kapaskuhan.