Pinahihintulutan na ang operasyon ng domestic flights sa mga lugar sa bansa na isinailalim na sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, alinsunod ito sa ipinalabas na guidelines ng Department of Transportation (DOTr) para sa unti-unting pagbubukas ng mga domestic airports.
Aniya, pinapayagan dito ang local flights sa pagitan ng mga lugar na may umiiral na GCQ at hindi kabilang ang mga nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Tiniyak naman ni Apolonio na mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols sa pagbubukas ng mga domestic airports tulad ng pagsusuot ng mga protective gears at pagkakaroon ng social distancing.