Business as usual ang operasyon ng DOTr o Department of Transportation, sa kabila ng paglilipat ng kanilang punong tanggapan sa Clark, Pampanga.
Ito ang inihayag ni DOTr Spokesperson at Assistant Secretary for Legal Affairs Leah Quiambao.
Ang unang batch ng mga empleyado ng DOTr na lumipat sa Pampanga ay kinabibilangan Offices of the Secretary and Undersecretaries, gayundin ang tanggapan ni Quiambao.
Mayroon pa ring empleyado na nananatili pa rin sa headquarters sa Columbia Tower sa Mandaluyong City para tumanggap ng mga transaksyon.
Matatandaang naging viral sa social media ang pag-alma ng mga kawani dahil mapapalayo at mapapagod sila sa pagbiyahe mula Metro Manila papunta sa kanilang bagong opisina sa Clark.
- Meann Tanbio