Na-iturn over na sa Eternal Chapels Mortuary and Chapel Services ang management at operation ng Green Hills Memorial Chapel sa Plaza Divisoria sa Cagayan De Oro City.
Sa isinagawang seremonya, binigyang diin ni Jose Antonio Rivera, Vice President for Sales and Marketing ng Eternal Chapels na itinuturing nang landmark ang Green Hills Memorial Chapel at Memorial Care Institution sa bahagi ng Divisoria sa mahigit 50 taon na.
Nais aniya nilang matiyak na magtutuluy-tuloy ang tradisyon ng memorial care sa lugar kung saan mismo nagsimula at gumawa ng legacy ang Green Hills Memorial Chapel.
Tiniyak naman ni Eternal Chapels President Numeriano Rodrin sa mga kliyente ng Green Hills Memorial Chapels nang pinaigting na serbisyo at pinaayos na mga pasilidad sa ilalim ng bagong management.
Bilang provider ng kumpletong mortuary at chapel services, binuksan ng Eternal Chapels ang unang sangay nito nuong 2017 sa Eternal Gardens Greenhills sa Barangay Bulua, Cagayan De Oro City at mula nito ay naitayo na rin ang dalawa pang sangay nito at patuloy pa ang konstruksyon ng ikatlong sangay nito sa Balagtas, Batangas City.
Ang Eternal Chapels ay bahagi ng Eternal Memorial Group kasama ang mga sister company nitong Eternal Gardens, Eternal Crematory Corporation at Eternal Plans na bahagi ng mas malaking grupo na ALC Group of Companies na itinatag ng yumaong dating Ambassador Antonio Cabangon Chua at pinamumunuan ngayon ng Chairman nitong si D. Edgard Cabangon.