Nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Quezon City Regional Trial Court laban sa operasyon ng Uber at Grab car.
Batay sa inisyung TRO ng RTC Branch 217, pinigilan nito ng 20-araw ang kautusan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na nagpapahintulot sa Uber at Grab car na makapag-operate.
Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng grupong Stop and Go Coalition.
Batay sa argumento ng Stop and Go Coalition, apektado ang kinikita ng mga tranport utilities na mayroong prangkisa dahil sa pagsulpot at pag-ooperate ng Uber at Grab car na wala namang mga prangkisa.
Iginiit ng mga ito na labag sa batas ang transportation network vehicle service dahil sa walang prangkisa ang mga ito.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)