Kasalukuyan pa ring pinag-aaralan ng airport authorities kung papayagan nilang mag-operate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iba pang public transport services tulad ng ‘grab taxi’ at ‘grab a car’.
Kaugnay nito, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado na maaari lamang makipagkontrata sa sinumang indibiduwal o korporasyon kung ito ay papasok sa isang concession.
Haharap aniya ang mga ito sa serye ng pagpupulong kabilang ang pulong sa LTFRB upang maitakda kung magkano ang dapat na singil ng iba pang private concession na may kaugnayan sa transport.
Sinabi ni Honrado na kapag pumasa ang ‘grab taxi’ at ‘grab a car’ ay maaari na itong mag-operate sa paliparan.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)