Suspendido muna ang operasyon ng ilang establisyimento sa buong lalawigan ng Rizal simula ngayong Lunes, ika-16 ng Marso.
Sa memorandum na inilabas ng Rizal Provincial Government, ipinag-utos na ni Governor Rebecca Ynares ang pansamantala munang suspensyon sa operasyon ng mga malls, lotto at bingo outlets, internet cafe, bars at mga coffee shops.
Bawal rin muna ang pagdaraos ng misa at iba pang public gatherings sa lalawigan.
Samantala, magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ospital, drugstores, supermarkets, groceries at mga palengeke.