Mananatiling sarado ang operasyon ng ilang mga industriya kahit sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) o may low to moderate na coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.
Sa anunsyo na binasa ni Presidential Spokesman Harry Roque, mananatiling sarado ang lahat ng paaralan at inirekomenda ang pagbubukas nito sa Setyembre maliban sa mga online learning.
Sarado rin ang mga itinuturing na kids industry tulad ng gaming, amusement, leisure, fitness at maging ang turismo.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gatherings tulad ng religious at conferences.
Samantala, 100% namang puwede nang buksan ang ilang industry sa mga lugar na nasa GCQ.
Ito ang agriculture, fisheries, forestry, food manufacturing o kabuuan ng supply chain, restaurant deliveries, tubig, enerhiya, media, logistics at internet.