Balik na sa normal ang operasyon ng Korte Suprema ngayong araw na ito.
Kasunod ito nang isinagawang inspeksyon sa gusali ng high tribunal kahapon.
Sinabi ng Public Information Office (PIO) ng Korte Suprema na nakumpleto na ng engineering team nila ang initial inspection sa lahat ng pasilidad sa SC compound.
Wala namang nakitang major at structural damage sa anumang bahagi ng Korte Suprema.
Sa kabila nito ay makikipag-ugnayan pa rin ang SC sa DPWH para sa mas masusing structural assessment.
Samantala, ipinauubaya naman ni Chief Justice Lucas Bersamin sa mga executive judge sa mga lugar na naapektuhan ng lindol kung sususpindihin pa rin ang pasok ngayong araw na ito.