Sinuspindi ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang operasyon ng lahat ng UV express na mula at patungo ng Davao City at may rutang patungo ng norte sa Davao Oriental, Tagum, Mati at Compostela Valley.
Kasunod ito ng pagkamatay ng sampu katao at pagkasugat ng maraming iba pa matapos sumalpok sa truck ang isang UV express sa Davao City.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng LTFRB, mananatiling suspendido ang operasyon ng UV express sa Davao City hangga’t hindi nakukumpleto ang inspeksyon sa lahat ng tumatakbong UV express sa syudad.
‘We call on the local government units to heed the call and encourage their constituents to take public utility buses muna while we look into the operation of these UV express going northbound, kasi bakit nangyari ‘yun, anong oras ba ang biyahe nila. We are receiving a lot of complaints aside sa overspeeding, nariyan ang overloading para silang mga sardinas sa loob ng UV express.’ paliwanag ni Lizada sa panayam sa DWIZ
Pinuna rin ni Lizada na mula lamang Oktubre hanggang sa kasalukuyan ay limang aksidente na ang kinasangkutan ng mga UV express na biyaheng norte sa Davao city.
Kabilang rin anya sa kanilang sisilipin ay kung bakit tila kabuteng nagsulputan sa Davao City ang mga UV express.
‘They may have legitimate franchises pero on the side street, mayroon din silang mga kolorum na van. Parang hindi naman maganda ‘yung ginagawa nila, they have come with legitimate franchises but they also include van na kolorum, thus, we have to look into these.’ pahayag ni Lizada.
By Len Aguirre
Operasyon ng lahat ng UV express na mula at patungo ng Davao City sinuspindi ng LTFRB was last modified: June 15th, 2017 by DWIZ 882