Pinangambahang pumalya ang sistema ng lotto ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office na posible namang makaapekto sa paglikom ng pondo para sa tulong medikal na ibinibigay sa publiko.
Kasunod ito ng inilabas na writ of preliminary injunction ng Makati City Regional Trial Court Branch 143 na humaharang sa bidding para makapili ng panibagong provider ng online lottery system.
Ayon sa PCSO, posibleng madiskaril ang epektibong takbo ng lotto dahil mapipilitan silang gamitin ang lumang lottery system ng PGMC o Philippine Gaming Management Corporation ang siyang lumang system provider.
Iginiit ng PCSO na dumaan sa proseso ang pagkuha ng bagong provider ng sistema hindi tulad ng nangyari sa PGMC na ni-renew lamang noong nakaraang administrasyon.
Una nang umapela ang PGMC sa korte dahil umano sa pagpabor ng PCSO sa Malaysian company na Pacific Online System Corporation para sa bagong lotto system.
By Rianne Briones