Pansamantalang sususpindihin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang operasyon ng LRT-1 sa paparating na weekends ngayon buwan ng Abril.
Ayon sa LRMC, ang naturang hakbang ay para bigyang daan ang pagpapatuloy ng mga maintenance at rehabilitation works na nauna nang pinasimulan noong Semana Santa.
Kabilang ang mga weekends na iiral ang shutdown sa ika-17 ng Abril hanggang ika-18; at ika-24 ng Abril hanggang ika-25, 2021.
Paliwanag ng LRMC, na oras na matapos ang naturang maintenance sa kanilang istasyon ay makatutulong ito na mapabilis ang preparasyon para sa commercial use ng bagong mga train sets sa huling quarter ng taon.
Dahil dito, mag-de-deploy ng mga bus ang transportation department sa 17 ruta para umalalay sa mga maaapektuhan commuter.