Wala munang biyahe ngayong araw ang mga tren ng LRT-1.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ito ay upang mabigyang-daan ang pag-test sa bagong signaling system ng mga linya ng tren.
Unang nagsagawa ng upgrade ang LRMC sa kanilang signaling system para maka-adapt sa bagong apat na set ng tren na dumating sa bansa nakaraang taon.
Sa Enero a-30 muling magpapatupad ng suspension ng biyahe ang LRT-1 para makumpleto ang testing ng bagong signaling system. —sa panulat ni Abby Malanday